Kasalukuyang naka-isolate si Transportation Secretary Jaime Bautista matapos tamaan ng COVID-19.
Ayon sa kalihim, nakararanas siya ng mild symptoms gaya ng pananakit ng ulo at ubo.
Sa kabila nito, sinabi ng communications department ng DOTr na patuloy na magtatrabaho si Bautista at makikipag-ugnayan sa kanyang mga tauhan.