Hinimok ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang publiko na makipagtulungan sa pamahalaan upang ganap na maipatupad ang modernisasyon at tamang pag-iingat sa mga Public Utility Vehicles sa bansa.
Ginawa ni Tugade ang apela kasunod ng nangyaring pagkahulog sa bangin ng Dimple Star Bus na ikinasawi ng 19 na pasahero sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Tugade, hindi nila kayang ipatupad ang lahat ng traffic laws and regulations nang walang tulong at suporta ng taumbayan na siyang magsusumbong sa mga napapansin nilang paglabag ng mga bus company.
Base aniya sa paunang ulat, ang pudpod na gulong ng Dimples Star Bus ang naging dahilan ng madugong aksidente.