Naka-isolate na rin si Transportation Secretary Arthur Tugade matapos ma-expose sa COVID-19-infected individual.
Ito ang kinumpirma ni Giovanni Lopez, Chief of staff ng department of transportation, sa talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahapon.
Sa halip na si Tugade, si Lopez ang nag-presenta ng report kay Pangulong Duterte.
Si Tugade na ang ika-apat na miyembro ng gabinete ng pangulo na na-expose sa COVID-19 at kasalukuyang naka-quarantine.