Sinasagot na ng DOTr o Department of Transportation ang pahayag ni Senator Grace Poe na dapat pagpaliwanagin ang ahensya sa sunod – sunod na aberya ng MRT.
Ayon kay DOTr Spokesperson Goddess Libiran, hindi totoo na mas lumalala ang estado ng MRT – 3 kumpara noong nakaraang taon.
Aniya, isang aberya palamang ang nangyari ngayong linggo kung saan nagkaroon ng door failure.
Ipinaalala ni Libiran na nagsimula lamang mag take over ang Sumitomo – Mitsubishi Heavy noong Mayo 1 at mayroon itong 26 na buwan para ayusin ang mga tren at buong pasilidad ng MRT.
Kaugnay nito, positibo ang ahensiya na sa July 2021 pagkatapos ng rehabilitasyon ng MRT ay tuluyan nang mararamdaman ang pagbabago sa MRT 3 tulad ng pag akyat ng running train mula 15 hanggang 20 pabilisin ang takbo ng tren at bawasan ang waiting time.
Dagdag pa rito ay ang padating na mga bagong riles mula sa Japan at 60 mga bagong airconditioning units na binili at napapakinabangan ng mga pasahero.