Sinelyuhan na ng Department of Transportation o DOTr ang kontrata nito sa Mitsubishi Corporation para sa pagbili ng 120 bagong rolling stocks para sa Light Rail Transit o LRT Line 1.
Susuplayan ng Mitsubishi ng mga tren at bagon ang LRT – 1 simula sa taong 2020 hanggang 2022 kung saan apat na rolling stocks ang inaasahang ide – deliver simula Agosto 2020.
Gagamitin ang mga bagong light rail vehicles sa LRT – 1 south extension project na mula Baclaran, Parañaque City hanggang Bacoor, Cavite.
Ang acquisition ng mga bagong rolling stocks na nagkakahalaga ng 19.3 bibilyong piso ay bahagi ng official development assistance loan ng Japan International Cooperation Agency para sa “capacity enhancement of mass transit systems in metro manila project”.