Inihayag ng Department Of Transportation (DOTr) na sisimulan na ang konstruksyon ng Philippine National Railways (PNR) Bicol na kilala rin bilang South Long Haul Project sa unang quarter ng 2022.
Pinangunahan ng DOTr ang monumental contract signing para sa unang 383 kilometro ng PNR bicol project mula Banlic, Calamba hanggang Daraga, Albay.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, na ang P143 konstruksyon ang pinakamalaking kontrata ng DOTr hanggang sa kasalukuyan.
Samantala, inaasahan din na mababawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Maynila at Legazpi City mula sa karaniwang 14 hanggang 18 oras na magiging 6 na oras na lamang gamit ang mga regular commuter train at 4 na oras at 30 minuto naman gamit ang express train. —sa panulat ni Kim Gomez