Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na magiging dahan-dahan pa rin ang gagawin nilang proseso sa pagdagsa ng mga pasahero.
Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Arthur Tugade kasabay ng inaasahang pagbabalik trabaho ng ilan sa mga pilipino lalo’t karamihan ay nakapailalim na sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Tugade, handa na ang mga pampublikong sasakyan sa inaasahang dagsa ng mga pasahero lalo’t bahagya nang babalik ang mga nagsarang industriya matapos ang dalawa’t kalahating buwan.
Maliban sa mga piling biyahe ng mga bus, gagamitin na rin ang pangunahing mass transport tulad ng LRT, MRT at PNR upang matiyak ang mas mabilis na biyahe ng mga magsisipasok sa trabaho.