Makikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para tutukan ang problema sa trapiko lalo na sa Metro Manila.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, makikipag-ugnayan sila sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ang Philippine Coast Guard (PCG) para matugunan ang isyu.
Dagdag pa ni Bautista, hindi man ganap na mawawala ang traffic, handa naman silang magkaroon ng partisipasyon para mabawasan at hindi masyadong lumala ito.
Aniya, kailangan aniya gawin ito bilang preparasyon na rin sa pagsisimula ng face to face classes sa bansa.