Nais ng Department of Transportation (DOTr) na maisama sa dashboard ng popular na real-time navigation app ng google ang mga bike lane routes sa Pilipinas.
Ayon sa DOTr, nakikipag-ugnayan na sila sa google upang mailagay sa google maps ang mga inilatag na bike lanes sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dumadami na kasi ang gumagamit ng bisikleta bilang mode of transportation ngayong may pandemya.
Kumpiyansa naman ang ahensya na pagbibigyan ng tech giant ang kanilang kahilingan.
Sa ngayon ay umabot na sa 500 kilometro ang bike lanes network na nailatag ng DOTr sa mga Metropolitan City sa buong bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico