Nagbitiw na sa puwesto si Department of Transportation o DOTr Undersecretary for Rails Cesar Chavez.
Inanunsyo ni Chavez kaninang umaga ang paghahain niya ng irrevocable resignation.
Ito ay sa gitna ng hindi matapos-tapos na problema at aberya sa Metro Rail Transit o MRT- Line 3 na kamakailan lang ay muling nabatikos ng publiko.
Ayon kay Chavez, responsibilidad niya ang mga nangyaring problema sa MRT-3 kaya naman binibigyan niya ngayon ng pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte at Transporation Secretary Arthur Tugade na tingnan muli ang management ng MRT-3.
“Nag-iimprove ba ang system mula nang mag-take over kami? Opo, kung hindi lang nagkaroon ng unfortunate accident, nag-improve at kung hindi nagkahiwalay ang 2 bagon. Otherwise nakikita niyo na isa o dalawa na lang ang unloading incidents natin, nadali lang tayo sa nagkahiwalay na bagon.
“Hindi naman puwedeng lagi tayong naninisi sa nakaraan dahil responsibilidad na namin ito. Ang tingin namin more particularly ay responsibility po ito, bilang undersecretary for railways, makailang ulit na akong humingi ng paumanhin sa publiko sa maraming interviews, sa tingin ko ay may magagawa pa, mas marami pang magagawa, in my 7 years in the rail sector under two presidents, President Arroyo and President Duterte, I learned something, spare parts and management are replaceable, kung hindi nakakabili ng spare parts ay nagkaka-aberya, kung kulang ang performance ng management ay nagkaka-problema, I’m tendering my irrevocable resignation.” Pahayag ni Chavez
Kasabay nito, nagpasalamat si Chavez sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte sa loob ng isang taon niyang panunugkulan sa DOTr.
LOOK: Resignation letter ni DOTr Usec. Chavez na naka-address kay Pangulong Rodrigo Duterte. pic.twitter.com/E16ri8LOnz
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 23, 2017
—-