Nilinaw ni Department Of Transportation Undersecretary Reinier Paul Yebra na ang fully vaccinated persons lamang ang maaaring makasakay o makapasok sa mga pampublikong sasakyan sa pagpapatupad ng “No Vaccination, No Ride” policy sa Metro Manila na magsisimula sa Lunes, January 17.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Yebra na naglabas din ng guidelines sa road sector ang LTFRB at lto kaugnay sa nasabing department order.
Matatandaang sa nasabing polisiya ay may exemptions din para sa may mga medical conditions na hindi makakapagpabakuna, sinabi ni Yebra na kailangan lamang aniyang magpakita ng medical certificate na nakalagay ang pangalan at contact number ng doctor at quarantine o barangay health pass para sa paglabas at pagbili ng mga pangunahing pangangailangan. —sa panulat ni Airiam Sancho