Nagbitiw na sa puwesto si DOTr o Department of Transportation Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim, epektibo sa Mayo 31. Ito ang kinumpirma nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Undersecretary for Rails Cesar Chavez. Si Lim ang ikalawang transportation official na aalis sa DOTr matapos magbitiw si Noel Kintanar dahil sa alegasyon ng conflict of interest. Bago ang kanyang appointment bilang Undersecretary, si Lim ay nagsilbing country manager sa International Air Transport Association. Sa panayam ng DWIZ kay Usec. Chavez sinabi nitong normal nang nangyayari sa kahit anumang sektor na may mga dumarating at umaalis na empleyado. Aniya naghayag si Lim ng pagnanais na muling bumalik sa pribadong sektor. Sinabi rin ni Chavez na naging maganda ang performance ni Lim sa ahensya na inilarawan nito bilang isang mabait, masipag at open-minded na empleyado. By Meann Tanbio | AR | Ratsada Balita (Interview) DOTr Usec for Aviation and Airports nag-resign was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post Bagong BSP Governor posibleng pangalanan na next post Abu Sayyaf member na naaresto sa Bohol patay makaraang tumakas You may also like Dating San Juan VM Francis Zamora nahaharap... May 23, 2017 COMELEC, may paalala para sa Brgy at... May 12, 2018 Water level sa Angat bahagyang tumaas sa... July 3, 2019 5.3 milyong pasahero, nag-avail ng free ride... March 19, 2022 Pilipinas, wagi sa World Universities Debating Championship January 4, 2023 Yellow lane policy ng MMDA binatikos August 8, 2019 Ilang pampublikong silid-aralan sa Makati, ginawang ‘smart... April 18, 2024 Bilang ng mga nasawi dahil sa tigdas... February 14, 2019 Privacy ng pamilya ng Pinay na namatay... July 16, 2023 Maulap na papawirin asahang mararanasan ngayong araw... August 25, 2021 Leave a Comment Cancel Reply