Ipinaalala ng DOLE o Department of Labor and Employment sa mga employer ang dobleng bayad sa mga empleyado nitong papasok ngayong araw na ito.
Ito ay dahil sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw na isang regular holiday.
Ayon sa DOLE, 200% o doble ang bayad sa mga empleyadong papasok ngayong araw sa unang walong oras at dagdag na tatlumpung porsyento ng suweldo sa kada oras na sobra sa regular na walong oras.
230% naman ang makukuhang bayad ng mga empleyadong naka day off ngayong araw na ito subalit papasok o magta trabaho.
Kasabay nito, ipinaalala rin ng DOLE na doble rin ang sahod ng mga manggagawang papasok sa Huwebes santo, April 13 at Biyernes santo, april 14.
Special non-working day naman ang April 15 o Sabado de Gloria kaya’t iiral ang ‘No work, No pay rule’ kapag hindi pumasok ang manggagawa subalit dagdag na 30% naman ang bayad sa magta-trabaho sa araw na ‘yan sa unang walong oras at 30% sa kada oras na overtime.
By Judith Estrada-Larino