Ipatatawag ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawa nitong pagdinig ukol sa war on drugs.
Ayon mismo kay Sen. Dela rosa, malaki ang posibilidad na dumalo ang dating pangulo kapag sila ang nag-imbita dito dahil mas magiging komportable ito sa imbestigasyon ng kanyang komite.
Maliban kay dating Pangulong Duterte, ipatatawag din aniya sa pagdinig ang iba pang posibleng maging resource person.
Sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa kung kailan isasagawa ang naturang pagdinig, ngunit posible aniyang simulan ito bago muling magbukas ang sesyon sa Nobyembre a-kwatro.