Pinakamayaman si DPWH o Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa hanay ng mga cabinet official ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth ni Villar, mayroon siyang kabuuang 1.42 billion pesos na assets, habang ang kanyang liabilities o pagkakautang ay nasa 15 million pesos para sa taong 2016.
Sumunod naman kay Villar sa usapin ng yaman ay si Finance Secretary Carlos Dominguez na may kabuuang networth na 352 million pesos at walang pagkakautang.
Pangatlo si Transportation Secretary Arthur Tugade na may 302 million pesos na networth.
Pang-apat sa pinakamayang cabinet official si dating Environment Secretary Gina Lopez na may networth na 266 million pesos.
Samantala, itinuturing naman na pinakamahirap na gabinete ng Pangulo si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano kung saan batay sa kanyang SALN, ang kanyang assets kabilang na ang clothing ay nasa tatlumpu’t limang libong piso (P35,000) at ang kanyang cash sa bangko ay nasa mahigit 239,000 pesos.
Wala ring idineklarang anumang real property si Mariano.
- Meann Tanbio