Nakahanda na ang disaster response teams ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ibang kagamitan sa paligid sakaling sumabog ang Bulkang Taal.
Ito’y base sa inilabas na ulat ng DPWH, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, nakahanda na silang i-deploy ang mahigit 800 personnel para uma-siste sa evacuation at clearing operation sa mga kalsada.
Ayon kay Villar, nagsagawa na rin ng action plan kung saan itatalaga ang mga quick response teams o QRTS sa anim na command centers upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Kabilang sa command centers ng DPWH Batangas ay 1st DEO sa Balayan, Batangas; Batangas 2nd DEO sa Kumintang Ilaya, Batangas City; Batangas 3rd DEO sa Tanauan, Batangas; Batangas 4th DEO sa Lipa City, Batangas; Cavite 2nd DEO sa Alfonzo, Cavite; at Cavite 3rd DEO sa Carmona, Cavite.
Tiniyak ni Villar na ang mga Command Centers ay makakatulong upang maging madali ang kanilang clearing operations sa oras na sumabog ang naturang bulkan.