Nagsagawa ang ilang personnel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilang ahenisya ng pamahalaan ng ocular inspection sa National Museum.
Ito’y kasunod ng nalalapit na panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa a -30 ng Hunyo bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Inikot ng mga tauhan ng DPWH na pawang miyembro ng Inauguration Committee ang labas at loob ng National Museum partikular sa Old Legislative Building.
Siniguro rin ng Inauguration Committee na maayos ang mga itinayong platform, at mga lugar na pagpu-pwestuhan ng mga dadalo sa panunumpa President-elect Marcos Jr.
Samantala, una nang nag-abiso ang pamunuan ng National Museum na pansamantalang isasara ang National Museum of Fine Arts na magsisimula sa Lunes, June 6 hanggang July 4 bilang paghahanda at pagsasaayos ng Inauguration Committee.