Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Public works and Highways na makipag-ugnayan na sa mga alkalde hinggil sa mga istrukturang nakatirik sa mga danger zone.
Ito’y makaraang i-ulat ni DPWH Secretary Roger Mercado na mayroong mga istrukturang nakatayo sa mga no-build zone sa ilang lugar na nasalanta ng bagyong Odette.
Sa kanyang Talk to the people, nilinaw ng punong ehektibo na hindi niya nais magpagiba ng maraming bahay nang wala pang relocation sites.
Aminado rin si Pangulong Duterte na sa ngayon ay hirap pang makahanap ang gobyerno ng paglilipatan sa mga naninirahan sa mga danger zone. —sa panulat ni Drew Nacino