Ipinagmayabang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nito ang apat na coronavirus disease 2019 (COVID-19) facilities na may 300 beds sa Metro Manila.
Ayon kay DPWH Secretary at isolation czar Mark Villar, ang mga pasilidad para sa mga pasyente at healthcare professionals ay matatagpuan sa Parañaque, Makati, Marikina at Pateros.
Bukod sa hospital beds, private comfort room at iba pa, ang mga nakumpletong quarantine facility ay mayroon ding mahigit 80 air-conditioned rooms.