Magpapadala pa ng karagdagang tauhan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para ayudahan ang mga residente na lubos na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Ayon kay DPWH secretary Mark Villar, kukuha sila ng dagdag na tao mula sa DPWH-NCR, Regions 1, 3, 4B, 5, 8, at 10.
Maliban sa mga tauhan, mamamahagi rin ng face mask at relief goods ang DPWH sa mga inilikas na residente.
Kasabay nito tiniyak ni Villar na mananaig ang bayanihan sa mga ganitong sitwasyon.