Magsasagawa ng pagkumpuni ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang mga kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsimula ang pag-ayos dakong alas-11 kagabi.
Kabilang sa naapektuhan ang EDSA santolan S-B, San Juan City, innermost lane magmula Connecticut St. papuntang Rochester St.; EDSA Quezon City N-B paglampas ng Aurora Blvd; c-5 Road Northbound (3rd lane), Makati City;
C-5 Road Southbound (2nd lane), Makati City; Batasan Road I-B-P- San Mateo Road hanggang Sampaguita St., (1st lane buhat sa sidewalk); Commonwealth Ave. NB Quezon City, Zuzuareggui St. hanggang harapan ng Diliman Preparatory School (2nd lane mula sa MRT area);
Cloverleaf patungong NLEX N-B; Cloverleaf papuntang NLEX SB; at C-5 Road along Pasig Blvd. Southbound, harapan ng 7/11, Brgy. Pineda.
Sa Lunes, Hunyo a-20, ganap na alas-5 ng madaling araw bubuksan ang mga apektadong kalsada.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.