Magsasagawa ng road reblocking sa ilang kalsada sa metro manila ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw.
Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pansamantala munang isasara ang ilang mga kalsada upang simulan ang pagkukumpuni o pag-aayos ng mga nasirang kalsada mamayang alas-onse ng gabi.
Sakop ng road reblocking ang:
- Edsa Guadalupe Makati City sa north bound innermost lane ng bus way hanggang Edsa Guadalupe Cloverleaf malapit sa Guadalupe MRT station.
- Edsa Quezon City north bound lane.
- Edsa Quezon City south bound lane ng P. Tuazon Aurora Blvd.,
- Aurora Blvd., Hanggang Arayat 1st lane mula sa sidewalk.
- C-5 road 3rd lane ng papuntang north bound bago mag-Mckinley Road Makati City at c-5 road south bound Makati City sa 2nd lane malapit sa elevated u-turn.
- South bound ng Edsa-Caloocan City
- West Ave. Quezon City sa pagitan ng Bulletin Street at Times St.,
- North bound ng Mindanao Ave., Quezon City hanggang road 20 sa 2nd lane o truck lane.
- Edsa south bound Quezon City service road corner 11th Jamboree hanggang Timog Avenue intersection-opposite Mapagmahal St., Hanggang Kamuning Road.
- C.P. Garcia Ave., papuntang Katipunan Ave., Quezon City
- C-5 road Pasig City sa Pasig Blvd., South bound at sa A. Bonifacio panulukan ng C3 Quezon City.
Muli namang ibabalik sa normal na operasyon ang nasabing mga kalsada sa lunes, Mayo a-2 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.
Samantala, pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.