Nagsimula na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Concrete Reblocking at Rehabilitasyon sa ilang kalsada sa Pasig City, Quezon City at Makati City.
Kabilang sa mga kalsadang apektado ng Reblocking ang mga sumusunod:
- EDSA NB, Quezon City lampas ng Boni Serrano flyover bago ang P. Tuazon Flyover 3rd lane mula sa sidewalk.
- kahabaan ng Commonwealth Avenue, 2nd at 3rd inner lane, Quezon City.
- Cloverleaf papuntang NLEX SB
- Roosevelt Avenue corner EDSA SB
- kahabaan ng C-5 service road, barangay bagong ilog,
- kahabaan ng Lanuza corner D. Julia Vargas malapit sa Valle Verde, sa kahabaan ng Pasig Boulevard, Barangay Bagong Ilog malapit sa Rizal Medical Center.
- C-5 road SB sa Makati City
- Kahabaan ng EDSA SB Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge, Quezon City.
Nagsimula na ito kagabi hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, November 7.
Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan pansamantala sa alternatibong ruta. —sa panulat ni Jenn Patrolla