Pag-iibayuhin pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga flood control projects nito para tugunan ang posibleng epekto ng La Niña sa bansa.
Sa pagdinig sa panukalang 2021 budget para sa DPWH, sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar na kanilang pinag-planuhan na ang mga hakbang para mabawasan ang posibleng epekto ng naturang weather phenomena gaya ng matinding pagbaha.
Ilan aniya sa kanilang paghahandang ginagawa ay ang pagdagdag at pagpapalit ng mas malalaking sewage pipes.
Ayon pa kay Villar, kung titingnan ang panukalang pondo ng ahensya, makikitang malaking bahagi nito ang inilaan para sa mga flood mitigation project.
Ipinanukala ng DPWH ang P667.32-B na pondo para 2021 mataas ito ng 15% sa alokasyong pondo ng ahensya ngayong 2020.