Nagkasa na ang DPWH ng equipment prepositioning at mobilization contingency plan para sa maayos at mas epektibong pag responde sakaling tumama sa Mega Manila ang “The Big One”.
Ipinabatid ito ni DPWH Secretary Mark Villar kaya’t inaasahan niyang ang bawat DPWH regional at district engineering offices nila ay may nakatalaga nang quick response teams na handa sa panahon ng kalamidad.
Sinabi pa ni Villar na nakikipag ugnayan na ang DPWH sa Department of Education kaugnay sa pagbabalik ng klase sa mga paaralang naapektuhan ng lindol.
Ito ay dahil 53 school buildings sa Metro Manila ang nagtamo ng minor defects subalit tatlong school buildings ang inirekomenda ng DPWH na maisailalim sa agarang structural evaluation.
Batay pa sa report ng D[WH-NCR, tatlo mula sa halos 300 tulay ang nainspeksyon na ng kanilang mga tauhan tulad ng Guadalupe Bridge sa Makati City na may minor crack sa girder at Tinejeros at Tanza Bridge sa Malabon City na may minor cracks sa railings.
Ang Guadalupe Bridge ay nakatakda na rin namang isalailalim sa major retrofitting sa ilalim ng DPWH Unified Project Management Office habang ang Tanza Bridge ay isasailalim naman sa second stage ng inspection.
Hindi naman nangangailangan pa ng immediate repair ang mga railing ng Tinejeros Bridge.