Naglunsad ng AYUDA o Assistance to Youth and Unemployed for Development and Advancement Program ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga kabataan at mga nawalan o walang trabaho sa gitna ng pandemiya.
Sa pangunguna ni DPWH Secretary Roger Mercado kasama ang lahat ng kanilang departamento at mga district engineering offices, kanilang pinalawak ang build, build, build program ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay trabaho sa mga kabataan at nawalan ng trabaho.
Ayon sa DPWH, layunin nilang mabigyan ng trabaho ang isang miyembro ng bawat pamilya na malaking tulong upang madagdagan ang kanilang panggastos sa pang-araw-araw.
Ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng Certification of Employment (COE) na kanilang magagamit sakaling sila ay muling maghahanap ng trabaho.—sa panulat ni Angelica Doctolero