Nagsagawa ng Road repair and reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.
Ayon sa MMDA, nagsimulang magkumpuni ng kalsada ang DPWH alas-11 kagabi na magtatagal hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Agosto a-8.
Ang mga kalsadang maaapektuhan ay ang; Northbound lane ng EDSA; paglagpas ng New York partikular na sa 3rd lane mula Center Island; paglagpas ng Kamuning/Kamias Road hanggang Jac Liner Bus Station.
Fairview Avenue partikular na sa 1st lane mula Center Island; Balintawak Cloverleaf Northbound; Brgy. Balon Bato Quirino Highway.
Apektado rin ang C5 Katipunan kanto ng C.P. GARCIA Ave.; EDSA Southbound sa Quezon City; Service Road sa kanto ng Kamuning Intersection at EDSA Southbound Balingasa creek hanggang Oliveros Footbridge.
Abiso naman ng DPWH sa publiko na dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.