DALAWANG road sections ang sarado habang apat na iba pa ang nilimitahan ang public access dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH, binanggit sa report ng Bureau of Maintenance na sarado sa trapiko ang ilang kalsada sa Bongabon, Nueva Ecija at Ternate, Cavite dulot ng landslides.
Limitado rin ang access sa Nueva Ecija-Aurora Road at maging ang kalsada patungong Barangay Bicos sa bayan ng Rizal dahil sa napinsalang tulay.
Agad namang nagtalaga ng alternate routes ang DPWH habang nagsasagawa ito ng clearing operations.