Mabigat na daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Ito’y ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa ipatutupad na Road Repair and Reblocking ng (DPWH).
Epektibo ito simula kagabi ng alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Oktubre 3.
Ang mga apektadong kalsada ay sa EDSA NB, Quezon City, Santolan MRT Station o EDSA Carousel bus lane, paglagpas ng Aurora Boulevard at patungo namang Kamuning 3rd Lane mula sa sidewalk.
Kabilang din ang mga sumusunod na lugar: C-5 Road Pasig City Truck Lane, 3rd lane C-5 Road Southbound Makati City, Fairview Avenue NB Quezon City lagpas ng kanto ng Yakal St., (1st lane mula aa sidewalk).
Cloverleaf EDSA NB hanggang segment ng NLEX NB sa outer Lane, Cloverleaf EDSA NB hanggang sa segment ng NLEX NB sa inner lane.
Roosevelt Avenue malapit sa kanto ng EDSA SB at EDSA SB Quezon City (Balingasa creek hanggang Oliveros Footbridge.
Inaabisuhan na ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta. —sa panulat ni Jenn Patrolla