Nagsimula na alas 11:00 kagabi ang weekend repair ng DPWH sa ilang lansangan sa Quezon City at Taguig City.
Apektado ng repair at rehabilitation works sa northbound ang Quirino Highway mula Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane Congressional Avenue Extension sa pagitan ng Tandang Sora Avenue hanggang Visayas Avenue, third lane EDSA sa pagitan ng Oliveros St at Balintawak LRT Station, 5th lane Congressional Avenue sa pagitan ng Cagayan St at Culiat Bridge 4, 1st lane.
Bukod pa ito sa Bonifacio avenue mula Ariveles St hanggang Iriga St. outerlane, Visayas Avenue sa harap ng PTV 4, outer lane Bonifacio Avenue mula N. Zamora St hanggang Del Monte St, middle lane gayundin ang Bonifacio Avenue crossing Sgt Rivera, middle lane sa southbound area.
Sa Taguig naman apektado ng repair works ang bahagi ng C5 southbound.
Alas 5:00 ng umaga sa Lunes, March 12 ay bubuksan na muli sa mga motorista ang mga apektadong kalsada.