Inilabas ng PACC o Presidential Anti-Corruption Council ang listahan ng mga kagawarang pinaka-inirereklamo ng katiwalian.
Ayon sa PACC, nangunguna sa kanilang listahan ang DPWH o Department of Public Works and Highways na sinundan naman ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Pumangatlo naman ang DOF o Department of Finance partikular na ang BIR o Bureau of Internal Revenue at ang BOC o Bureau of Customs.
Kabilang din sa naturang listahan ang NCIP o National Commission on Indigenous People, DA o Department of Agriculture, DOTr o Department of Transportation at DFA o Department of Foreign Affairs.
Batay sa datos ng PACC, nasa mahigit 400 mga reklamo ang kanilang natatanggap kung saan aabot sa 59 lamang ang may kumpletong mga dokumento at testimoniya.
—-