Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang modular health facilities sa Quezon Institute compound sa Quezon City.
Katunayan, ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nakatakda nila itong i-turn over sa Department of Health (DOH) ngayong linggo.
Sinabi ng kalihim na ang pasilidad ay mayroong apat na pu’t apat na kabuuang bed capacity at patatakbuhin ng mga medical teams mula sa DOH at Jose Reyes Memorial Hospital.
Nabatid na ang Quezon Institute Offsite Modular Hospital ay ilalaan lamang para sa mga pasyenteng may COVID-19.