Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng two-storey evacuation facility sa Aurora province na magsisilbing emergency shelter sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay DPWH secretary Manuel Bonoan, itinayo ang evacuation facility sa barangay North Poblacion sa Dipaculo, na nagkakahalagang 7.8 million pesos at kayang mag-accommodate ng 2,000 katao.
Aniya, nasa 170 square meters ang total floor area nito kung saan mayroon itong shower area at nakahiwalay na comfort rooms para sa lalaki, babae at persons with disabilities (PWD).
Binigyang-diin naman ni Bonoan na ipinayoridad nila ang naturang pasilidad sa lalawigan na isa sa typhoon-prone area para makatulong sa panahon ng krisis at emergency dahil sa mga kalamidad.