Plano ng Department of Public Works and Highways na magpadala ng dalawang team na tututok sa infrastructure works sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay D.P.W.H. Lanao del Norte-First District Engr. Khalil Sultan, partikular na tututukan ng dalawang team ang pagsasaayos ng mga nasirang government infrastructures sa limang buwang sagupaan.
Alinsunod sa hiniling ni Sultan kay DPWH Region 10 Regional Director Virgilio Eduarte, nais niyang pangunahan ang rehabilitation sa war zone area lalo’t mas pamilyar siya sa lugar.
Samantala, 47 sets na ng heavy equipment na donasyon ng China naka-posisyon sa Marawi Provincial Capital.
Gayunman, hindi pa naisasapinal ang mga plano kung paano sisimulan ang rehabilitasyon ng mga kalsada at tulay.