Target ng Department of Public Works and Highways na matapos sa lalong madaling panahon ang lahat ng kalsada sa relocation site sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay DPWH secretary Mark Villar, pursigido silang tapusin ang lahat ng road network sa relocation site ng Barangay Sagonsongan, kahit bago matapos ang buwan o sa Nobyembre 25.
Nagredeploy na anya ng mga heavy equipment ang DPWH provincial engineering districts sa naturang lugar upang tumulong sa konstruksyon ng mga transition shelter.
Tumulong din ang kagawaran sa paghahatid sa mga bakwit pabalik sa kani-kanilang bahay sa Barangay Loksa Datu, Barrio Green, Poblacion, East Basak, Matampay at Tampilong.