Nais matiyak ng DPWH o Department of Public Works and Highways na masosolusyunan ang ilang concerns nila sa ipinasang Traffic Crisis Bill.
Kabilang dito, ayon kay DPWH Undersecretary Karen Jimeno ang right of way na kadalasan aniyang nagiging problema nila lalo sa usapin ng relokasyon at resettlement.
Inamin ni Jimeno na nahihirapan silang makipag-ugnayan sa mga pribadong may-ari ng lupaing madadaanan ng mga programa ng gobyerno dahil marami sa mga ito ang ayaw makipag-usap sa gobyerno.
Nakikita aniya nilang masasagot ng Traffic Crisis Court na nakasaad sa panukala ang nasabing concern.
Bahagi ng pahayag ni DPWH Undersecretary Karen Jimeno
By Judith Larino | Credit to: Balitang Todong Lakas (Interview)