Sinimulan na Department of Public Works and Highways sa Region 8 ang rehabilitasyon ng mahigit 2-kilometrong San Juanico Bridge na nagdudugtong sa mga isla ng Leyte at Samar.
Ayon sa DPWH-Region 8, naglaan ang kanilang ahensya ng P84.7 million na pondo para sa pagsasaayos ng tulay na daanan ng mga sasakyan mula Luzon patungong Mindanao.
Sinabi ng DPWH na kanilang sisiguraduhin na agad na maaayos ang mga high-tension bolts at kinakalawang na mga bakal, at pagpintura sa buong tulay na halos limampunt taon nang nagbibigay serbisyo sa mga motorista.
Nabatid na bago sinimulan ang rehabilitasyon, nagkasa muna ng inspeksyon ang DPWH Bureau of Design at Bureau of Research and Standard kung saan, inaasahang matatapos ang pinakamahabang tulay sa bansa sa buwan ng Disyembre ngayong taon.