10 mga bagong silid-aralan pa lamang ang naipatatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa buong bansa para sa taong 2020.
Ito ang inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian, mula sa aniya’y target na mahigit 5k mga bagong classrooms ng Department of Education DEPED sa kasalukuyang taon.
Ayon kay Gatchalian, hindi aniya ito kasalanan lamang ng DEPED bagkus ay usapin ng kuwestiyonableng kakayahan ng DPWH sa pagtatayo ng mga silid aralan.
Aniya, tila inaabot pa ng hanggang 2 taon simula sa umpisa ng paggawa ng classroom hanggang sa matapos ito.
Dagdag ni Gatchalian, nitong Hunyo lamang natanggap ng DPWH ang pondo mula sa DEPED at inabot din ng ilang buwan ang proseso ng bidding at konstruksyon.
Batay sa datos, nasa 180 na silid aralan mula sa target na 4,580 ang naipatayo noong nakaraang taon habang 11 lamang mula sa 28,170 na target mabuong classrooms ang natapos.