Buo ang loob ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, na matatapos ngayong taon ang ginagawang skyway stage 3 makaraang bisitahin ng kalihim ang nagpapatuloy na konstruksyon.
Ayon kay Villar, inilalagay na nila ang final girder sa kalsada.
Mababatid na ang naturang proyekto ay magdurogtong sa NLEX at sa SLEX, kung kaya’t inaasahan kahit papaano ay bahagyang luluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.
Iginiit din ni Villlar na oras na matapos ang proyekto ay pabibilisin nito ang byahe mula NLEX papuntang SLEX ng hanggang sa kalahating oras.