Tutok ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapagawa ng modular hospitals para makatulong sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) na hindi na makatakbo sa mga punuang ospital.
Ipinabatid ni DPWH Secretary at isolation czar Mark Villar na 45 araw nila maitatayo ang modular hospitals.
Ayon kay Villar, ang isolation facilities ay may basic na mga gamit na hindi sapat para gamutin ang moderate at severe case ng COVID-19.
Ang kada modular hospital aniya ay may negative pressure at oxygen supply sa bawat kuwarto na mayroon pang ibang gamit para magamot ang isang COVID-19 patient.
Nakapagpatayo na ang DPWH ng modular facilities sa Quezon Institute Hospital na may 110 bed capacity, 16 bed capacity sa Lung Center, 22 beds naman sa Dr. Jose Rodriguez Hospital, 60 beds sa National Kidney Institute at 2 units na mayroong 44 beds sa Batangas City.