Umaasa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang expansion works sa Port of Currimao sa Ilocos Norte ay higit na magpapalakas sa industriya ng turismo sa rehiyon.
Ininspeksyon ni DOTR Secretary Arthur Tugade ang mga construction works sa Port Currimao na maaaring mag-accommodate ng mga cruise ship kapag natapos na ang konstruksyon.
Ayon kay Tugade, hindi lamang upang tugunan ang maritime mobility at connectivity sa lalawigan, kundi upang magsilbing catalyst para sa socio-economic at mga oportunidad sa kabuhayan sa rehiyon ng Ilocos.
Samantala, sinimulan na rin ang mga construction work para sa pagtatayo ng isang law enforcement building na maglalaman ng mga opisina ng maritime law enforcement agencies gaya ng PPA Port Police, Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba pa sa nasabing rehiyon. -sa panulat ni Kim Gomez