Nakatakdang ilabas ng Commission on Elections sa Marso ang desisyon sa disqualification case laban sa mga miyembro ng pamilya tulfo kaugnay ng 2025 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inaaksyunan na ng kanilang division ang technical issue bago maglabas ng “summons” Sa mga Tulfo candidate.
Binigyang-diin ni Chairman Garcia na pasasagutin nila ang mga Tulfo, limang araw matapos matanggap ang “summons” At kasunod nito ay “submitted for decision” na ang kaso.
Nabatid na naghain ng disqualification case noong February 17 si Virgilio Garcia laban sa magkakapatid na sina senatorial candidates Erwin Tulfo at Ben Tulfo;
Gayundin kina Jocelyn Pua-Tulfo, Ralph Wendel Tulfo at Wanda Tulfo-Teo dahil kabilang aniya ang mga ito sa “political dynasty”. – Sa panulat ni John Riz Calata