Nanawagan ang working group ng Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council sa pamahalaan na hayaan si UN Special Rapporteur on Extrajudicial Executions Agnes Callamard.
Ito’y para imbestigahan ang mga nangyayaring patayan o ang mga di umano’y EJK o Extra Judicial Killings sa bansa sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ang nasabing panawagan ay hinango ng working group sa rekumendasyon ng mga bansang miyembro ng United Nations sa kasagsagan ng diyalogo sa pagitan ng human rights council at ng delegasyon ng Pilipinas.
Dahil dito, sinabi ng working group ng Universal Periodic Review na dapat imbitahan si Dr. Callamard sa lalong madaling panahon upang maging opisyal ang kanyang pagbisita sa Pilipinas nang walang kondisyon alinsunod sa itinatadhana ng UN Terms of Reference.
By Jaymark Dagala
Callamard dapat hayaang mag-imbestiga sa Pilipinas—UNHRC was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882