Pabor si Dr. Eric Tayag, Epidemiologist at Infectious Diesease Specialist na mas lalo pa dapat palakasin ang genome sequencing sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pagkaka detect ng local cases ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay tayag, may kakayahan naman ang bansa na tukuyin ang Delta variant, ngunit ang problema ay kung mismong ang may sintomas na ang hindi magpapa konsulta.
Sinabi pa ni Tayag na mas makabubuti kung maglalagay ng mga laboratoryo sa piling lugar para makakuha ng regular na sample para sa genome sequencing.