Inihalal na bilang Interim President at CEO ng Philippine Health Insurance Corporation si Dr. Hildegardes Dineros makaraan ang pulong ng PHILHEALTH Board of Directors sa Pasig City.
Si Dineros na graduate ng University of Santo Tomas, ay isang surgeon at miyembro ng Philippine College of Surgeons at Philippine Society of General Surgeons.
Kasalukuyan ding aktibo si Dineros sa community initiatives bilang Pangulo ng Nuestra Señora de Salvacion Charity Hospital Foundation Incorporated na nagsasagawa ng mga medical mission sa Northern Samar.
Ang bagong PHILHEALTH Interim President din ay miyembro ng Aloha Medical Mission of Hawaii; Tzu Chi Foundation ng Taiwan at Good Samaritan Foundation ng Media Personality at DWIZ Anchor Ramon Tulfo.
By Drew Nacino