Wala pang bakuna at gamot laban sa hand, foot and mouth disease.
Ito ang babala ni Dr. Rontgene Solante sa mga magulang kaya mas makabubuti pa rin ang pag iwas na mahawaan ang mga bata.
Sa laging handa public briefing, sinabi ni Solante na para sa edad 5 taong gulang pababa, dapat silang alagaan o linisan ng magulang bago kumain.
Kapag aniya sila ay nahawaan ng hand foot mouth disease at nagkaroon ng ilang sintomas tulad ng lagnat, paracetamol lamang ang dapat ipainom sa bata o tinatawag na treatment support dahil walang over the counter drugs para rito.
Samantala, ani Solante, pwede ma-immune ang isang bata kapag nalantad na ito sa hfmd disease subalit pwede pa rin itong maimpeksyon kaya mahalaga ang prevention.
Dagdag pa ni Solante, hindi dapat basta-basta ihahawak sa mata at bibig ang mga kamay para hindi makontaminado ng virus.