Inihayag ni Infectious Disease Expert Dr. Tony Leachon na kumbinsido siya sa downward trend ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Leachon na mahgit 3K ang COVID-19 cases na naitala kahapon kung saan ito’y mula lamang sa mga indibidwal na sumailalim sa RT-PCR test at hindi kabilang ang mga nagpa-rapid antigen test.
Sinabi pa ni Leachon na pagdating ng marso ay posibleng sumadsad pa ang mga kaso ng COVID-19 dahil sa mga indicators. – sa panulat ni Airiam Sancho