Inenderso na ng House Committee on Constitutional Amendments sa plenaryo ang draft constitution na inihain ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Arroyo at iba pang kongresista.
Layunin ng draft na magbigay daan sa paglikha ng isang federal form of government.
Ayon sa komite, ikinunsidera nila ang panukala at inirekomenda ang pag-apruba rito nang walang amendments.
Ang naturang proposal ay iba sa binalangkas na Federal Charter ng consultative committee na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
—-