Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inaayos pa nila ang draft ng bagong water concession agreement.
Sinabi sa DWIZ ni Guevarra na tanging legal at constitutional issues pa lamang ang napaplantsa nila sa nasabing kasunduan at hinihintay pa nila ang inputs ng Department of Finance (DOF) para mabuo ang revised agreement.
Ang draft aniya sa concession agreement ay sanib puwersang tinututukan ng Office of the Solicitor General (OSG), Department of Justice (DOJ), Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), Metropolitan Waterworks and Sewerage (MWSS) at DOF.
’Yung sa mga legal and unconstitutional na issues, ‘yon ang una naming naayos, pero, meron pa kaming hinihintay na mga inputs from the Department of Finance in connection with the financial and economic aspects of the revised water concessionaire agrrements kaya sa totoo lang, hindi pa buong-buo ‘yung consolidated, revised agreement,” ani Guevarra. —sa panayam ng Ratsada Balita