Kinumpirma ng Malacañang na naisumite na sa Kamara ang draft copy ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na ang draft ng BBL ay isinumite na nila sa mga senador at kongresista sa pamamagitan ng isang pulong sa Palasyo.
Dahil dito, ipinabatid ni Guevarra na nasa Kamara na ang bola para sa deliberasyon ng nasabing bill.
Una nang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ise-certify niya bilang urgent ang BBL Bill para mapabilis ang pagpasa rito.
By Judith Larino